theworshipsongs
DI KO INASAHAN
- GFirst Band -




DI KO INASAHAN
By: GFirst Band



Verse 1:

Minsan ang takbo ng buhay
Paghihirap walang humpay
Puno ng lungkot at ng lumbay
May panghihinang sumasabay


Verse 2:

Minsan naisip na lumayo
Kahit pangarap ma'y gumuho
Naisipan na ngayo'y susuko
At sasamang lalo


Chorus:

Di ko inasahang
Ako'y tinawag Niya
Buhay ko ngayo'y
Nagkaroon ng sigla
Nakamit tunay na ligaya
Nilalasap ko nang lubusan
Ang pagmamahal Niya
O kay sarap mabuhay
Na kapiling Siya


Verse 3:

Isip ko'y naliwanagan
Sa tunay na kahalagahan
Nitong buhay na puno ng kasawian
Ngayon ang Diyos may inilaan
Pangako Niya'y walang hanggan
Ng buhay sa bawat isa
Habang buhay na Siya'y kasama
Sa paraiso Niya


Chorus:

Di ko inasahang
Ako'y tinawag Niya
Buhay ko ngayo'y
Nagkaroon ng sigla
Nakamit tunay na ligaya
Nilalasap ko nang lubusan
Ang pagmamahal Niya
O kay sarap mabuhay
Na kapiling Siya


Chorus:

Di ko inasahang
Ako'y tinawag Niya
Buhay ko ngayo'y
Nagkaroon ng sigla
Nakamit tunay na ligaya
Nilalasap ko nang lubusan
Ang pagmamahal Niya
O kay sarap mabuhay
Na kapiling Siya


Ending:

O kay sarap mabuhay
Na kapiling Siya




also see:



RELATED SONGS: