theworshipsongs
IKAW HESUS
- Ricky Sanchez -




IKAW HESUS
By: Ricky Sanchez



Verse 1:

Alam kong malapit Ka sa akin
Kahit na malayo ang aking damdamin
Nariyan Ka sa akin ay nagbabantay
Upang ako'y hindi maagaw ng kaaway


Chorus:

At kung dumarating ang aking kahinaan
Ikaw Hesus, Ikaw ang aking kalakasan
Kapag ako'y nanlulumo
Hindi Mo ako binibigo
Isang tawag Sayo'y tumatatag ang puso ko
Mga kaibigan ko'y, Ako'y tinalikuran
Ikaw Hesus, Ikaw ang tunay kong kaibigan
Kahit ako'y nag-iisa
Basta't Ikaw ay kasama
Higit sa kanila'y kailangan Ka
Ikaw Hesus


Verse 2:

At ngayon muli akong nagkamali
Nariyan Ka kahit na anong mangyari
Patawad Mo sa akin ay laging laan
Pag-ibig Mo sa akin ay walang hangganan


Chorus:

At kung dumarating ang aking kahinaan
Ikaw Hesus, Ikaw ang aking kalakasan
Kapag ako'y nanlulumo
Hindi Mo ako binibigo
Isang tawag Sayo'y tumatatag ang puso ko
Mga kaibigan ko'y, Ako'y tinalikuran
Ikaw Hesus, Ikaw ang tunay kong kaibigan
kahit ako'y nag-iisa
Basta't Ikaw ay kasama
Higit sa kanila'y kailangan Ka
Ikaw Hesus


Tag:

Kapag ako'y nanlulumo
Hindi Mo ako binibigo
Isang tawag Sayo'y tumatatag ang puso ko
Mga kaibigan ko, Ako'y tinalikuran
Ikaw Hesus, Ikaw ang tunay kong kaibigan
kahit ako'y nag-iisa
Basta't Ikaw ay kasama
Higit sa kanila, Higit sa kanila
Sa buhay kong ito
Ikaw Hesus




also see:




RELATED SONGS: