theworshipsongs
KAHIT GAN'TO LANG AKO
- The Asidors -




KAHIT GAN'TO LANG AKO
By: The Asidors



Verse:

Kay tagal ko nang naririnig
ang tungkol sa'Yo Panginoon
Di ko na kailangang lapitan
Upang marinig ang Iyong pangalan
Sinabi nila, sinabi nilang may kaligtasan
Ngunit ako'y nabibingi sa mga sinasabi nila
At paulit ulit ding iniiwasan
Subalit ay pinadama Mo
At binago bigla ang aking mundo
At naunawaan ko na ako ay inibig Mo


Chorus:

Kahit gan'to lang ako
Pinalawak Mo pag unawa ko
Pwede Mo naman akong talikuran
At tuluyan nang pabayaan
Oh Diyos ko ano ba ang halaga ko
Tunay Mong pinadama ang Iyong pag-ibig
Kabutihan Mo nananaig sa'kin
Dalangin ko'y Ika'y makapiling
Nawa'y Iyong dinggin kahit gan'to lang ako


Verse 2:

Gustong makamit buhay na walang hangganan
Pero paano nalang dahil sa nagawang kasalanan
Nahihiya't di Ka malapitan
Dahil sa 'di magandang kagagawan
Walang pag-asa at sa sulok umiiyak
Ngunit nang marinig pangalan ko'y tinawag Mo
Ang magulo kong isipan ay biglang naging mahinahon
Aking kamay hinawakan Mo
At nabago bigla ang buhay ko
At rinig na rinig ko ang
Pagka sabi Mo na ako'y anak Mo


Chorus:

Kahit gan'to lang ako
Pinalawak Mo pag unawa ko
Pwede Mo naman akong talikuran
At tuluyan nang pabayaan
Oh Diyos ko ano ba ang halaga ko
Tunay Mong pinadama ang Iyong pag-ibig
Kabutihan Mo nananaig sa'kin
Dalangin ko'y Ika'y makapiling
Nawa'y Iyong dinggin kahit gan'to lang ako


Bridge:

Patuloy Ka'ng naging tapat
Sa aming buhay at gumagabay
Panginoon Ikaw ang sasambahin


Chorus:

Kahit gan'to lang ako
Pinalawak Mo pag unawa ko
Pwede Mo naman akong talikuran
At tuluyan nang pabayaan
Oh Diyos ko ano ba ang halaga ko
Tunay Mong pinadama ang Iyong pag-ibig
Kabutihan Mo nananaig sa'kin
Dalangin ko'y Ika'y makapiling
Nawa'y Iyong dinggin kahit gan'to lang ako


Tag:

Ako'y inibig Mo kahit gan'to lang ako




also see:



RELATED SONGS: